Personal Testimonies
FACES Home > Personal Testimonies
 
MESSAGE FROM DINA VALENCIA, CRIZEL’S MOM
Tagalog Translation
English Translation



Una sa lahat nais ko kayong batiin ng isang mapayapang araw. Isang malaking karangalan sa pamilya namin, isa kayong malaking tulong sa problema naming kinakaharap sa ngayon. Maraming salamat sa lahat ng ginagawa ninyong legal campaign para isigaw ang mga karapatan ng mga batang biktima ng toxic waste at pagbayarin sa lahat ng daños perwisyo sa kapabayaan nilang ginawa.

Maraming buhay ng mga walang malay na mga bata ang nasayang na kahit kailan ay hindi puwedeng ibalik ng kahit sino. Kung hindi tayo kikilos, sino ang sisingil sa responsibilidad na iniwan ng bansang Amerika dito sa Pilipinas na ginawang base militar ng maraming taon na ang lumipas? Ipinagmamalaki ko kayong lahat sapagkat maraming katulad ninyo ang tumutulong at sumusuporta sa legal campaign na ginaganap din sa Estados Unidos.

Kahit diyan kayo ipinanganak pero ang puso ninyo ay pusong Pinoy pa rin, kahit malayo kayo sa aming lahat, ang puso namin ay palaging nandiyan kasa-kasama ninyong palagi.

Masuwerte ako bilang magulang ni Crizel sa buhay na ito -- isang napakahalagang hiyas para sa akin dahil napatunayan ko sa aking sarili na isa akong ganap na babae.

Kung masuwerte ako, mas masuwerte si Crizel dahil napakaraming humahanga, nagmamahal at nagmamalasakit sa sinapit ng kanyang kamusmusan na kagagawan ng di niya kilala, naging sanhi ng maaga niyang paglisan sa pinakamamahal niyang pamilya.

Ipagpatuloy ninyo ang maganda ninyong sinimulan sa legal campaign sa E. U. para sa aming lahat na naging biktima ng toxic waste dito sa Pilipinas. Ipinagmamalaki ko ang aking anak na si Crizel na nagsilbing salamin sa aking buhay at ang lahat ng sumuporta sa kanya lalung-lalo na ang People's Task Force for Bases Cleanup sa lahat ng ginagawa magpahanggang ngayon. Isang malaking karangalan kay Crizel ang ginagawa ninyong magandang pag-gunita sa araw ng kanyang kamatayan. Kahit wala dito sa lupa si Crizel o sa ating lahat pero ang magaganda niyang ala-ala sa inyo ay palaging nasa isip at puso ninyong lahat. Bilang isang ina ni Crizel ay nababawasan ang sakit at hapdi na aking nararamdaman sa kaloob-looban ng aking puso, sa lahat ng matatamis na papuring inyong ibinibigay sa kanya.

Maraming salamat sa lahat ng inyong ginagawa sa aming lahat na biktima ng nakalalasong basura na iniwan ng mga Amerikano dito sa bansa namin at (bansa) ninyo. Alam ko kahit wala na si Crizel ngayon, nararamdaman ko na masayang-masaya siya sa lahat ng ating ginagawa at tagumpay sa ating ipinaglalaban. Alam ko sa lahat ninyong ginagawa katuwang ninyo ang PTFBC ay katulong natin parati si Crizel at parati siyang nakangiti sa lahat ng ating ipinaglalaban.

Good Luck and More Power
God Bless Your Campaign
Gumagalang at nagmamahal,

Dina Valencia


ENGLISH TRANSLATION OF DINA'S MESSAGE

First of all I want to greet you a peaceful day. It is a great honor for my family that you are one of the supporters of the problem we are facing now.

Thank you very much for organizing a legal campaign for the toxic wastes victims and making the US pay for what they left behind. Precious lives were lost which can never be replaced.  If we do not stand for our rights who will make sure that the United States will take responsibility for the mess they left behind?

 I am very proud of you and the others who are helping and supporting the legal campaign in the US. Even though you were born in the US, you are still Filipinos at heart. Even though we are thousand of miles apart, our hearts are with you always.

 I feel blessed in this lifetime as the mother of Crizel – Crizel is a precious gem and having her made me realized my womanhood. But if I am blessed, much more Crizel, because a lot of people admire, love, and care for her. A lot of people felt sorry for her untimely death caused by someone she did not even know.

 Carry on the legal campaign you started in the US for all the toxic waste victims in the Philippines.  I am very proud of my daughter Crizel for being my inspiration and to everyone who supported her especially the Peoples’ Task Force for Bases Cleanup for their untiring support.

It is a great honor for Crizel in remembering her on the day of her death. Even though Crizel is not here with us anymore, her wonderful memories are always in your hearts and minds. As the grieving mother of Crizel, the pain of losing her lessens because of your praises for her.

I thank you very much for all the support and help you are extending to all toxic wastes victims. I know and feel that Crizel is very happy at this moment, for everything we do and the triumph in our struggle. I know that PTFBC is always behind your undertakings so does Crizel, and looking upon us with a smile.

Good Luck and More Power
God Bless Your Campaign
Respectfully and Lovingly yours,

Dina Valencia

 

 
Back to FACES Homepage
next page
Updated on Thursday, February 22, 2001